top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Parehong first time… KATHRYN AT SARAH, TIE SA BEST ACTRESS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2019
1 min read

NAGING maningning ang 35th PMPC Star Awards for Movies sa katatapos na Gabi ng Parangal na ginanap nu’ng Linggo (June 2) sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Parehong nasungkit nina Kathryn Bernardo at Sarah Geronimo (hindi naka­rating ang Pop Princess) ang Best Actress award at si Ogie Alcasid ang tinanghal na Best Actor.

Naging madamdamin ang pagbibigay-parangal sa Mga Natatanging Bituin ng Siglo sa pagsasama-sama ng mga respetado at tinitingalang bituin sa isang entablado, binigyan ito ng standing ovation at napuno ng palak­pa­kan, marami ang napaiyak sa na­pakagandang pagtitipong ito.

Ipinagkaloob ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award kay Dante Rivero at ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award kay Ms. Laurice Guillen.

Apat na beteranong manu­nulat — sina Ethel Ramos, Ronald Constantino, Veronica Samio at Letty Celi — ang pinagkalooban ng Outstanding Pillars of PMPC.

Mula sa pamunuan ng Pangu­long Sandy Es Mariano, mga opisyales at miyembro, ang 35th PMPC Star Awards for Movies ay mula sa produksiyon ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino at direksiyon ni Bert de Leon.

Mapapanood ang kabuuan ng pagtatanghal sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa ika-16 ng Hunyo, 2019.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page