Negosyante dedo sa drug-bust
QUEZON—Isang negosyante na sangkot umano sa iligal na droga ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Dalahican, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Fidel Galvez, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Galvez, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments