Hirit na dagdag-suweldo, idinaan sa zumba ng mga guro


Patuloy na umaaray ang mga guro dahil sa hindi matuluy-tuloy na pagtaas ng kanilang suweldo.
Noong bisperas ng pagbubukas ng klase, idinaan sa zumba ng mga guro ng pampublikong paaralan ang kanilang panawagan para sa pagtataas ng kanilang suweldo.
Sa amphitheater ng Quezon Memorial Circle, sabay-sabay na kumembot, nagwagayway ng mga kamay, gumiling at umindak ang mga gurong miyembro ng Quezon City Public School Teachers Association (QCPSTA).
Kakaibang paraan ito para mapansin ang kanilang hiling na tuparin na ang mga ipinapangakong pagtaas ng kanilang suweldo.
Itinuturing ng grupo na pinakamalaking kakulangan sa public education system ang pasahod sa mga guro dahil hindi ito nakasasabay sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.
Hirit pa ng grupo, tila limos ang ibinibigay sa kanila ng gobyerno, gayung napakalaki ng naibibigay nila sa lipunan.
Bago magsimula ang klase, nagsagawa ng breakfast protest ang mga guro sa Mendiola, alas-4:00 ng madaling-araw.
Hindi biro ang sakripisyo ng mga guro para magampanan ang kanilang trabaho.
Kakarampot na suweldo lang ang nagiging dahilan kaya umaalis sa bansa ang mga guro, kaya para patuloy silang magsilbi sa ating bayan, dagdag-suweldo, ibigay!





Comments