Hindi lang basta yosi kadiri, lodi... PANINIGARILYO, NAKAKAPUROL NG MEMORYA!


ANG paninigarilyo ay walang naidudulot na maganda sa kalusugan, pero, marahil sa iba, ito ay kanila ng nakasanayan, pero, alam ba ninyo na bukod sa maaaring maapektuhan ang inyong baga sa paninigarilyo ay nakakapurol din ito ng memorya? Hala!
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang paninigarilyo ay isa sa mga nagiging dahilan kung bakit namamatay ang tao hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa.
Sa pag-aaral mula sa Northumbria University, natuklasan ng mga researcher na ang paninigarilyo ay may seryosong epekto sa memorya ng taong naninigarilyo na nang matagal na panahon, kumbaga, ‘yung mga lodi natin na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa bisyong ito.
Gayunman, para mapatunayan ang pag-aaral, nagsagawa ng eksperimento ang mga eksperto sa pagitan ng mga smoker at hindi smoker kung saan lumabas sa resulta na 33 porsiyento sa mga smoker ay mababa ang performance pagdating sa memorization.
Samantala, bumabalik din umano ang magandang memorya sa oras na tumigil na ang indibidwal sa nakasanayan nitong pagyoyosi, ito ay dahil kaya pa rin itong ma-restore, kumbaga, nakapagpahinga ang utak at kumuha ng bagong enerhiya.
Kaya para sa mga hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ang pagyoyosi, mind your health, mga beshy dahil nasa huli ang pagsisisi.
Kung ngayon, eh, hindi pa ninyo ito naiisip, siguradong kapag nakaramdam na kayo ng hindi maganda at saka lang kayo matatauhan.
Huwag ganu’n, dapat ngayon pa lang ay maagapan na ninyo ito. Copy?





Comments