Wanted na rapist tiklo
Pabs Hernandez III
Jun 3, 2019
1 min read
PALAWAN—Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa bayan ng El Nido sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Rodjie Revillas, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Revillas sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban si Revillas nang dakpin ito ng pulisya sa naturang bayan.





Comments