Sey ng experts... MGA BABAENG NASA LUGAR NA MAY MABABANG TEMPERATURE, TUMATAAS ANG PERFORMANCE LEVEL


SA kabila ng mainit na panahon kung saan halos lahat ay mayroon ng aircon, ayon sa pag-aaral, ang mga babae umanong nasa lugar na may mababang temperatura ay mas lalong nai-improve ang cognitive performance. Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga researcher, ang mga babae umano ay mas nabu-boost ang performance level kung nananatili sila sa kuwarto o lugar na may mainit na temperatura kung saan gumagaling sila sa math at verbal test.
Gayunman, kabaligtaran naman ito sa estado ng kalalakihan kung saan mas nagiging aktibo sila kapag malamig ang panahon.
Ito ay dahil ang mga babae ay mas mabagal uminit ang katawan kumpara sa mga lalaki at may mas malalim pang paliwanag kung bakit may ipinagkaiba ang thermostat sa pagitan ng magkaibang kasarian.
Sa pag-aaral mula sa University of Utah, natuklasan na ang mga babae ay mayroong mas malamig na mga kamay at paa dahil mas manipis ang balat nila.
Kaya kung napapansin ninyo, marami sa mga lalaki ang mas mabilis na naiinitan at pinagpapawisan, gayundin, mas iritable sila kapag tag-init kung saan nakaugalian na nila ang paghuhubad ng damit.
Kaya ang payo ng mga eksperto, partikular sa mga negosyante, mainam kung ikokonsidera ninyo ang mga pangangailangan na ito ng inyong mga empleyado nang sa gayun ay mas maging maganda ang performance nila sa trabaho.
Oh, ayan, marahil may iba na hindi sang-ayon sa pag-aaral na ito, lalo na ngayon halos lahat tayo ay gusto sa malamig na lugar, pero walang mawawala kung tayo ay bahagyang maniniwala.
Gets mo?





Comments