top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BAYLON, MAY IBUBUGA PA SA JIU JITSU, BABANAT SA U.S.

Clyde Mariano
Jun 3, 2019
1 min read

MATAPOS ang makulay na career sa judo na dinomina ang division sa Southeast Asian Games sa mahigit 2 dekada, muling makikipagsapalaran si John Baylon sa bago niyang kinahihiligang martial arts sa World Masters Jiu Jitsu Championships gagawin sa susunod na buwan sa Las Vegas, Nevada.

Sa eksklusibong panayam sa kanyang ensayo, sinabi ni Baylon na mahigit 50 bansa ang kalahok sa prestihiyosong paligsahan na unang gagawin sa Las Vegas. “Hindi lahat ay sasali sa division ko. Malaki ang tsansa kong manalo,” wika ni Baylon na lalaban sa welterweight division at tanging Pinoy na nag-aral sa world famous Kodokan Judo Club sa Japan. Inamin ni Baylon, veteran ng 1988 Seoul Olympics at Asian Judo, mabigat ang kanyang laban dahil world class ang kompetisyon. Para manalo, kailangang physically at mentally fit, mataas ang morale at in fighting spirit sa oras ng laban. “Judo and jiu jitsu are basically the same. My broad knowledge and experience in judo is of great help in my quest for glory,” sambit ng veteran martial arts expert na taga-Binalbagan, Negros Occidental.

Dahil wala na siya sa priority athletes ng Philippine Sports Commission, ayon kay Baylon, ang pagsali niya sa Las Vegas ay sariling gastos. Gumanap si Baylon na coach ni Annie Ramirez na nanalo ng dalawang Asian Indoor Games at Martial Arts sa Danang, Vietnam at Ashgabat, Turkmenistan. Ang jiu jitsu ay kasama sa 56 sports na lalaruin sa 2019 SEAG na aarangkada sa Nobyembre sa multi-million peso state-of-the-art New Clark City Sports Complex.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page