Proud na pera raw nila ang ginastos sa Japan, buking na kasama ni P-Digong… SIGAW NG NETIZENS: RODJU


NA-BASH na nga ang mag-boyfriend na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina nang kumalat ang mga pictures nila habang nasa Japan dahil pinaghihinalaan sila ng madlang pipol na kasama sa 200 na bumubuo sa entourage ni Pangulong Rodrigo Duterte at ginastusan ng gobyerno kahit wala naman daw silang papel du’n, lalo pa silang na-bash at natawag na “sinungaling” matapos lumabas at kumalat ang picture ng program ng meeting ng pangulo with the Filipino community.
Sa naturang program kasi, malinaw na nakasulat ang pangalan nina Rodjun at Dianne bilang mga performers.
Si Dianne supposedly ay magpe-perform ng Twerk It Like Miley at Sumayaw, Sumunod. Ang fiancé naman niyang si Rodjun ay Say You Won’t Let Go at medley song and dance ang ginawa.
Ang problema kasi, nang kuwestiyunin sina Rodjun at Dianne ng mga netizens kung bakit sila kasama ng pangulo sa Japan, ang isinagot ng aktor ay sariling gastos nila ang pagpunta ru’n.
Hindi nila tuwirang nilinaw ni Dianne kung kasama nga sila ni P-Digong o hindi. Ang pagkakaunawa ng mga netizens, personal nilang lakad ang pagpunta ru’n, kaya naba-bash sila ngayon na “sinungaling” dahil ayan nga, lumabas na kasama pala sila sa mga nag-perform sa Filipino community na hinarap ni Pangulong Duterte.





Comments