DURANT BABALIK - AKSIYON SA GAME 3?


MAY posibilidad daw na magbalik aksiyon si Kevin Durant bagamat may calf injury sa Game 3 ng NBA Finals.
Ayon sa ulat ng Yahoo Sports, na-injured si Durant noong Mayo 8 sa 5th game ng Western Conference Semifinals kontra Houston Rockets.
Halos 6 na games ang hindi nasipot ni Durant, lalo na kung bibiyahe mula Golden State Warriors patungo sa Toronto kaya wala ito sa unang dalawang games ng best-of-7 series. Sinabi ni Head coach Steve Kerr na si Durant ay kinokonsiderang real “long shot” na kailangan na rin sa Game 2 matapos na unahan sila ng Toronto sa panalo sa Game 1 finals at kabigin ang 1-0 lead.
Optimistiko ang organisasyon na lalaro si Durant sa Game 3 sa Hunyo 5. Pero ang malakas na posibilidad kung iisipin ang kondisyon at muling magbalik ang injury ay sa Game 4 (Hunyo 7) kaya marami pa rin ang napapaisip sa sitwasyon ni KD.
Pero kung babalikan ang kartada ng Warriors, humakot ito ng 5-0 win nang wala sa laro si Durant sa kabuuan ng playoffs hanggang sa matalo noong Huwebes. “KD’s an all-time great player on both ends of the floor, so I could sit here and talk for days about what he adds to our roster,” saad ni Steph Curry matapos ang Game 1. “We obviously have proven that when he’s out, we can have guys step up and that’s going to be the case until he gets back.”
Malaking bagay ang laro ni Durant sa Finals sa nakaraang dalawang seasons na uma-average ng 34.2 points kada laro ngayong postseason. Siya ang itinanghal na Finals MVP sa nakaraang dalawang season na nagtapos sa pag-angkin ng Warriors ng O’Brien Trophy. (MC)





Comments