top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Babala sa pagbili ng school supplies!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2019
1 min read

ISANG tulog na lang at pasukan na.

Siguradong marami na ang nakapamili ng school supplies ng kanilang mga anak at mayroon ding humihirit pa ng last minute shopping para makumpleto ang kanilang nasa listahan.

Dahil dito, nagbabala ang EcoWaste Philippines sa mga magulang na namimili ng school supplies para sa kanilang mga anak.

Ayon sa grupo, lead at cadmium ang dalawang klase ng kemikal ang kadalasang inihahalo sa school supplies, partikular sa mga gawa sa plastic material.

Nakasasama sa utak ang lead habang ang cadmium ay posibleng pagmulan ng cancer.

Gayunman, nilinaw ng grupo na hindi agad lalabas ang mga sintomas ng cancer kung mae-expose ang indibidwal sa mga nasabing kemikal ngunit, depende ito sa tagal ng pagkaka-exposed.

Panawagan sa mga magulang, suriing mabuti ang label ng bawat produkto para makatiyak na ito ay FDA approved.

Pinaaalalahanan din ang mga manufacturer na lagyan ng tamang label ang mga produkto.

Dahil matagal gagamitin ng mga bata ang school supplies, siguradong hindi maganda ang magiging epekto nito sa kanilang kalusugan kung matagal silang mae-exposed sa nabanggit na mga kemikal.

Kaya para sa mga magulang, huwag basta bumili ng murang gamit kung hindi sigurado sa materyales na ginamit dito.

Kung kailangang paulit-ulit na suriin ang label ng mga produktong bibilhin, gawin natin upang hindi ito makasama sa kalusugan at nang hindi magsisi sa huli.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page