Tulak dedbol sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Jun 1, 2019
1 min read
LAGUNA — Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Parian, Calamba City.
Kinilala ang suspek na si Japhet Alvarez, nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Alvarez pero, nanlaban ito at pinagbabaril ang mga pulis.
Agad namang gumanti ng putok ang awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments