PAKIUSAP UNAHIN ANG SEAG, HUWAG PURO PULITIKA


PAGKAMAKABAYAN ang dapat pairalin ng mga taga-National Sports Association lalo na ang mga pinuno ng asosasyon, iwasan ang pamumulitika at isipin munang unahin ang kapakanan lalo na ng mga atleta at ang preparasyon para sa darating na 2019 SEA Games kung saan dito sa bansa idaraos ang biennial meet.
“Show your patriotism to the country by helping the Philippine Olympic Committee and the Philippine SEA Games Organizing Committee in their massive tasks to stage a successful event,” panawagan ni 1Pacman representative Mikee Romero. “Remember, our neighbors are closely watching us.”
Sa halip na magbatuhan ng mga pintas sa bawat isa ang mga opisyal ng sports, nanawagan si Romero, na siyang chairman ng house sub-committee on Sports at vice chairman ng mother committee on Youth and Sports na bilang sports leaders dapat nang magtrabaho ang lahat at solusyunan ang anumang problema na makatutulong sa Philippine Olympic Committee sa ilalim ng liderato ni Ricky Vargas, na sang-ayon siya sa layuning maisakatuparan ang tagumpay ng SEA Games.
“I have known Mr. Vargas for quite some time now, he is an excellent leader and he has demonstrated this in the PBA Board,” ani Romero, na owner ng NorthPort sa pro league bukod sa pagiging chairman ng pinakamalaking polo association sa bansa.
Ikinatuwa rin niya bilang Godfather ng 2007 Philippine national basketball team ang pagtanggap ni Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez sa challenge ng POC upang maging chef de mission ng 2019 Southeast Asian Games. (MC)





Comments