Mas feel daw ang babae kesa sa lalaki… SOLENN, GUSTONG IPINTA NANG HUBO'T HUBAD SI JENNYLYN
- BULGAR

- Jun 1, 2019
- 1 min read

PAREHONG magaling magpinta ang magkaibigang sina Solenn Heussaff at Heart Evangelista, pero ayon sa una, magkaiba ang art nilang dalawa.
“Ibang style. Si Heart, very colorful, mas sa mga babae siya, very sentimental ‘yung kay Heart. Sa lahat ng pinagdaraanan niya, she paints a lot based on her emotions and on what she’s lived.
“‘Yung first exhibit niya, medyo malungkot tingnan ‘yung mga girls, ganu’n. Ngayon, iba, mas sa fashion, may mga aso na, may mga ladies na nagkakape, ganu’n,” sey ni Solenn.
Ang art naman daw niya ay base sa Filipino people.
“Ako, mas gritty, I guess, medyo malungkot din, mas sad ‘yung colors ko, tapos based on Filipino people, based on Pinoys lang, ‘yung everyday life,” saad pa ng Love You Two actress.
When asked kung na-try na niya ang nude painting, sey niya ay dati pa, pero hindi raw niya type talaga especially kapag ang model ay mga lalaki.
Hindi raw siya nagagandahang tingnan ang mga lalaking naka-nude at mas okay daw sa kanya ‘pag babae.
Sino ang gusto niyang i-paint nang nude among our female celebrities?
“Si Jen (Jennylyn Mercado) na lang,” aniya.
Magkasama ngayon sina Jen at Solenn sa primetime series na Love You Two at kasama rin nila sina Gabby Concepcion at Shaira Diaz.
Na-try na ba niyang i-paint nang nude ang asawa niyang si Nico Bolzico?
“Yuck!” sambit ni Solenn. “Not naman yuck pero ayoko talagang i-paint ang boys.”





Comments