Lalaki, sinilaban ang sarili
KRITIKAL ang lalaki matapos silaban ang sarili habang nasa park na malapit sa White House.
Ayon sa US Secret Service, agad rumesponde ang mga tauhan ng National Park Service at United States Park Police para bigyan ng first aid ang lalaki.
Naganap ang insidente alas-12:20 ng tanghali sa 15th at Constitution Avenue.
Sa mga kumalat na video, makikitang nagliliyab ang katawan ng lalaki na naglalakad sa parke.
Hindi naman nakikita ng mga awtoridad na banta ito sa seguridad at sinabing sarili lamang ang gustong saktan ng biktima.





Comments