top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Buking naman sa IG Story… JANELLA AT MARKUS, MAGKASAMA SA JAPAN PERO TODO-TAGO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 1, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

NASA Japan ang rumored newest showbiz couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson, pero nakakaintriga na wala silang pictures na magkasama. Solo-solo ang ipino-post na litrato ng dalawa na para bang may iniiwasan na makita silang magkasamang nagbabakasyon doon.

Pero sa isang IG Story ni Markus, wala man siya sa picture at si Janella lang, nabasa naman ang caption niyang “I love this girl so much.”

Ayun naman pala!

Nauna nang nakitang ka-dinner ni Janella sa isang restaurant si Markus at ang pamilya nito. Spotted din sila sa ibang lugar, pero wala pa ring kumpirmasyon sa relasyon nila.

Si Elmo Magalona rin naman, mukhang may bago nang pag-ibig. May nakitang litrato niya na may kasamang babae na sabi, bago nitong GF kapalit ni Janella.

Ibig sabihin, naka-move on na silang pareho at sana, mag-move na rin ang kani-kanyang fans nila, pati mga shippers para wala nang away.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page