55 preso patay sa riot
- Jersey Sanchez
- Jun 1, 2019
- 1 min read
PATAY ang 55 preso matapos sumiklab ang serye ng riots ng mga gang sa apat na piitan sa Western Brazil.
Ayon kay State of Amazonas Governor Wilson Lima, 15 ang naitalang patay noong Linggo habang 40 noong Lunes sa mga kulungan sa City of Manaus.
Ayon sa mga awtoridad, ang Northern Family, ikatlo sa most powerful gang sa Brazil ang pasimuno sa mga pagpatay.
Pinagsasaksak umano ng gang members ang kanilang mga kalaban gamit ang pinatulis na mga toothbrush at sinakal hanggang sa mamatay sa harap ng mga bumibisitang kapamilya.
Dahil dito, sinabi ni Justice Minister Sergio Moro na plano ng Brazilian government na ilipat ang 9 gang leaders sa maximum security prisons upang mabawasan ang tensiyon.
Binatikos naman ng human rights group na Conectas ang gobyerno sa umano’y pagkukulang nito na magpatupad ng kaayusan sa mga kulungan.
Iginiit ng grupo na hinayaan ng pamahalaan na maging siksikan ang Anisio Jobim Penitentiary na may kapasidad na 454 preso ngunit, higit pa sa doble ang nakakulong dito.





Comments