2,800 volunteers mula sa TELUS International Philippines, nagsama-sama sa Brigada Eskwela!
- Thea Janica Teh
- Jun 1, 2019
- 2 min read
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Kaliwa’t kanan na ang Brigada- Eskwela sa bawat lugar sa bansa, magsisimula na kasi ang pasukan ng mga bagets. Kaya naman, tulung-tulong ang mga guro, magulang at estudyante sa pagpapagandang muli ng kanilang eskuwelahan.
Bukod dito, ginagawa na rin ng Telus International Philippines, isang leading customer experience and digital service company sa loob ng anim na taon ang pagtulong sa mga estudyante kasama ang Department of Education (DepEd).
Halos 2,800 volunteers ang nagtulung-tulong sa programa nilang TELUS Days of Giving. Ang eskuwelahan na kanilang inayos at pinaganda ay ang Victorino Mapa High School, isa sa mga pinakamatandang educational institution sa Maynila.
Pininturahan at isinaayos ang 100 classrooms na gagamitin ng halos 3,100 high school students ngayong school year. Ibinahagi ni Jeffrey Puritt, President at CEO ng Telus International na hanga siya sa Team Philippines dahil sa kanilang pagtutulungan para mapaganda ang eskuwelahan at ito rin ang nagiging inspirasyon ng iba pang team sa ibang bansa.
Gayundin, ang programang ito ang naging paraan para makuha ng Telus International Philippines ang 90% employee engagement rating mula sa Aon at Best Employer recognition mula sa Aon Best Employers Program Awards and the Asia Corporate Excellence & Sustainability Awards (ACES).
Sa anim na taon, halos 14,000 team members na ang nagtulung-tulong sa pagsasagawa ng programang ito. At sa loob din ng anim na taon ay pito na ang naisasaayos nilang eskuwelahan sa Metro Manila. Sisiguraduhin din nilang patuloy lang ang programang ito upang marami pa ang kanilang matulungan na mapaganda at maisaayos ang pangalawang tahanan ng bawat estudyante.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments