Utol, 'di ma-take ang pinaggagawa… JAK, GALIT NA GALIT NANG MAPANOOD ANG TIKIMAN NINA SANYA AT P


ALIW na aliw kami sa video sa Instagram Story ni Jak Roberto habang nanonood siya ng love scenes ng kapatid na si Sanya Lopez sa bago nitong serye na Dahil sa Pag-ibig.
Sa simula ng video ay makikitang nagsisimula pa lang ang serye at nagpapakita ng warning classification na SPG (Strong Parental Guidance or Striktong Patnubay at Gabay).
Sigaw ni Jak, “Bakit kaya SPG?”
Sa eksenang nagsusuot ng red lingerie si Sanya, caption ni Jak, “Hmmmp” at nilagyan ng thinking emoji. Ipinakita rin ng aktor ang kanyang reaksiyon na nanlalaki ang kanyang mata na parang galit.
Nang dumating na ang eksena sa bed scene nina Sanya at Pancho Magno, naglagay na ng tatlong “angry face” emoji si Jak.
Pagkatapos ng bed scenes, sigaw ni Jak, “Nasaan na ang pamalo ko?”
Ang nasabing phrase ay private joke ng magkapatid na ginagamit ni Jak sa tuwing may napapanood siya or may nakikitang sexy scene ni Sanya.
Bago pa man magsimula ang Dahil sa Pag-ibig ay sinabi na ng Kapuso actress sa isang panayam na ang kuya niya ang unang-unang magri-react kapag naipalabas na ang love scenes niya.
Pero maiintindihan naman daw niya if ever dahil lagi talagang nagri-react si Jak kapag may mga sexy scenes or sexy photos siya at normal lang naman daw ‘yun sa isang kapatid.





Comments