Hirit ng mga netizens, ginamit ang pera ng bayan, wa' namang silbi… KILALANIN: MGA ARTISTANG KAS
- BULGAR

- May 31, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAINIT na pinag-usapan sa social media ang mga artistang kabilang sa diumano’y 200 kataong kasama ni Presidente Rodrigo Duterte nang bumisita siya sa Japan noong May 28 para sa apat na araw na state visit.
Maraming Pinoy ang naghihimutok dahil karamihan daw sa mga kasama ni P-Digong ay wala namang kaugnayan sa gobyerno o hindi naman government officials pero pinondohan para makasama sa Japan.
Ayon sa ilang netizens, kasama raw sa 200 entourage ng presidente ang ilang cabinet members at ang pamilya at mga staff nito, at ang mga artistang sumusuporta kay P-Digong.
Kaya ang tanong ng mga netizens, ano raw ang gagawin ng mga artistang kasama ng pangulo sa Japan? May ilan na humirit na magkakaroon daw ba roon ng palabas o magko-comedy show sa Japan?
Ilan sa mga artistang nakitang kasama sa entourage ni P-Digong sa Japan ay ang mga dumalo rin sa thanksgiving party na idinaos sa Malacañang noong May 7 para sa mga supporters ng pangulo na inorganisa ng partner niyang si Ms. Honeylet Avanceña.
Makikita sa mga litrato sina Martin Escudero, Michael Pangilinan, Bayani Agbayani, Billy James, Phillip Salvador, Rodjun Cruz at ang GF nitong si Dianne Medina kasama ang ilang government officials na naka-famous Duterte sign.
Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang isyung ito at sinabing hindi nagbitbit ng mga artista ang pangulo sa apat na araw na state visit nito sa Japan.
Aniya, “From what I know, they came to Japan on their own accord. Ask them why they are here. They are the credible source of your information. Mine will be speculative.”
Dahil dito, hindi nakapagpigil ang ilang netizens at nag-comment sa litrato ni Rodjun Cruz sa Instagram post nito.
Comment ng netizen na may username na @tinabmendoza: “Just wondering kasi nakita ko picture ninyo sa airport. Kasama ba kayo sa grupo ng mga taga-gobyerno na nagpunta sa Japan diyan o natiyempuhan lang na nakita ninyo sila sa airport?”
Marami pang netizens ang nagko-comment sa mga litrato ni Rodjun sa Japan at sinasabing huwag na silang mag-post dahil nagsasayang lang sila ng pera ng mga kababayan natin.
Sey ng isang netizen, “I wish they don’t have to post pic such this ‘coz it’s disgusting not that hard earned they spent in Japan. Just saying thou… Be discreet too. Much pleasure, be sensitive for your fellow.”
Paglilinaw ni Rodjun, “Hi, guys, may freedom naman ako to post dahil kami nagbayad ng trip na ‘to. Mali lang dyina-judge kami ng mga tao. Maraming bansa na kaming napuntahan ni Dianne bukod sa Japan. Ilang beses na rin kami bumalik dito. Salamat, God bless.”





Comments