Aktres, may sariling serye uli sa Kapuso… RURU, 'DI KAWALAN KAY GABBI


MAS bentahe para sa Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang kumawala na sa pagkakaroon ng screen partner o ka-love team. Mas maraming options at magandang opportunities kapag hindi siya nakadepende sa dating ka-love team na si Ruru Madrid.
Mas may challenge para kay Gabbi dahil kailangan niyang i-prove na kaya niyang tumayo on her own merits.
Kaya, tama ang timing ng pagdating ng bago niyang project sa GMA Network, ang Rosang Agimat na action-filled at star studded ang cast.
Pangungunahan ng veteran actor-director na si Eddie Garcia ang major cast ng bagong serye ni Gabbi kasama sina Roi Vinzon, Chanda Romero, Tonton Gutierrez, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Victor Neri, Betong Sumaya, Kristoffer Martin, Aubrey Miles at Luz Valdez.
Excited si Gabbi sa bago niyang project sa Kapuso Network, kaya nag-post ito sa kanyang Instagram account na nag-undergo siya ng training sa paghawak ng baril at ang kanyang mentor ay si Jethro Dionisio na isang shooting champion.
Sineryoso ni Gabbi ang kanyang shooting training dahil kailangan ito sa bago niyang show sa GMA-7.





Comments