Todo-palag sa suot na singsing… KAMPO NI JODI, 'DI MA-TAKE NA PAKAKASALAN NA NI JOLO ANG GF
- BULGAR

- May 30, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

PARANG hindi na matutupad ang wish ng mga fans nina Cavite Vice-Governor Jolo Revilla at Jodi Santamaria na magkabalikan pa ang dalawa. Ito ay kung totoo ang tsikang engaged na si Jolo at ang GF nitong si Angelica Alita.
May ipinost kasing photo si Jolo sa Instagram (IG) na kumakain ng ice cream si Angelica at may caption na: “Ang tamis naman... ang lagkit ng tingin.”
Pero hindi sa ice cream na kinakain ni Angelica napokus ang tingin ng mga netizens, kundi sa suot nitong singsing na engagement ring daw.
Tinanong sina Jolo at Angelica kung engaged na sila, pero tahimik ang dalawa, wala silang sinagot sa mga nagtanong.
Kahit hindi sumagot sina Jolo at Angelica sa pang-uusisa kung engaged na sila, marami pa rin ang nag-congratulate sa dalawa. Wish nilang ikasal na sina Jolo at Angelica at magsimula na ng pamilya.
May mga supporters sina Jolo at Jodi na obviously, ‘di matanggap na baka si Angelica na ang forever ng anak ni Sen. Bong Revilla, Jr. at ang sabi, mas mabait si Jodi kesa sa kanya. Agad sinaway ang bitter na fan ng ibang followers ni Jolo.





Comments