Proud na proud na sinagot ng aktres… FAN, NAG-PROPOSE NG KASAL KAY GABBI SA FB
- BULGAR

- May 30, 2019
- 1 min read

Nakakaloka ‘yung teen-ager fan ni Gabbi Garcia na nagngangalang Alfredo Armas na nag-propose sa Kapuso actress sa social media.
Nag-post sa Facebook ang nasabing fan ng larawan niyang nakasuot ng toga at may hawak na fan sign na ang nakasaad ay: “Gabbi Garcia, graduate na me. Ready na kong pakasalan ka. Raaawwrrr!”
Sa caption, aniya ay iniaalay niya ang kanyang diploma kay Gabbi.
“This is for you bebe Gabbi Garcia, for us, for our family. Hays, baliw na baliw na ‘ko sa ‘yo, nagpa-set na ako ng kasal haaaa?
“Attend ka kahit sama mo si Khalil, siya best man. Hihi mwaaaaa! Sana naman, makarating sa ‘yo ‘to, huhu!” ang caption ni Alfredo.
Nakarating kay Gabbi ang post na ito at sinagot niya sa kanyang IG Story.
“Someone sent me this. CONGRATULATIONS. Sending my love to you,” ang caption ni Gabbi.
As expected, nang mabasa ito ng fan ay halos mamatay siya sa tuwa base sa video na ipinost niya sa kanyang FB account.
“OMGGGGGG! This is not a drill guys, I repeat this is not a drill. Sabi ko sa inyo, eh, Love niya kooooo.
“So ayooooon, thank you sa mga nag-share to make this thing possible. I can’t hinga-hinga properly, my heart fast so tibok-tibok talaga like oh my God talagaaaaa SO AYOOONN TULOY ANG KASAAAAAAAAL #AlGab!” ang caption ni Alfredo.
Umani nang katakut-takot na “likes” ang nasabing post at napakarami ring nag-comment.
Hahaha! ‘Kaaliw!





Comments