top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pahiwatig na nangangarap nang mataas

Writer: BULGAR
BULGAR
May 30, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Rebecca ng Rebecca_Canoso@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na may ginagawa akong building.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Rebecca

Sa iyo Rebecca,

Kitang-kita ang mga pangarap ng bawat tao sa kanyang mga napananaginipan, tulad ng panaginip mo, ang pina­pa­ngarap mo ay ang magkaroon ka ng building.

Makikita rin sa panaginip ang sikreto ng tagumpay at ito ay ang “aim high”. Oo , iha, “high” talaga dahil ang buil­ding ay mataas.

Alam mo, iha, nang dumating sa bansa natin ang mga Amerikano na may lihim na hangarin na alipinin tayo sa aspeto ng ekonomiya. ‘Yun bang aasa lang tayo sa kanila dahil paki­ramdam natin ay hindi na tayo uunlad, pumili sila ng awiting bayan kung kailan ang mismong mga letra ay matatanim sa ating kamalayan na magiging sanhi na ang bansa o tao ay hindi na mangangarap na yumaman.

Pero, sila ang mga Amerikano ang magpapakasasa sa likas na kayamanan ng ating mahal na bansa at maging ang takbo ng negosyo ay makokontrol nila. Pinasikat nila ang awiting “Bahay-Kubo”.

Ang totoo, mas kabisado ng mga Pinoy ang Bahay-Kubo kaysa sa Lupang Hinirang at ang may kagagawan nito ay ‘yung mga dayuhang mapagsamantala sa ating ka­buhayan na tulad ng nasabi na, ang mga Amerikano.

Kaya ang mga Pinoy, nagtanim ng mga halaman sa paligid-ligid. Ito ang konsentrasyon ng mga Pinoy kasi ito ang itinamin sa ating kamalayan ng mga dayuhang mana­nakop.

Kaya masasabing, mababa ang pangarap ng mga tao, simpleng buhay lang, kumain, matulog at bukas magtatanim ng gulay, tapos muling matutulog. Lakasan mo ang loob mo, Rebecca, isabuhay mo ang sinasabing, “be brave, have no fear because success is simply bravery and courage”!

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page