top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Marami pa raw pasasabugin laban sa kapwa komentarista… HIRIT NI BEN: MAY BASBAS NG INC ANG BANAT KO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30, 2019
  • 2 min read

ANG tindiii!!! Hindi po ng sikat ng araw, kundi ng mga banat ng isa sa Tulfo brothers na si Ben Tulfo sa kapwa niya brodkaster-komentarista sa TV at radyo na si Anthony “Ka Tun­ying” Taberna ng ABS-CBN.

Sa kanyang radio program na Bitag Live, binanatan nang husto ni Ben si Ka Tunying matapos umanong tirahin ng huli ang ACT-CIS partylist na sinu­suportahan ng Tulfo siblings.

Galit na galit si Ben dahil ginamit daw ni Ka Tunying ang plunder issue sa Tulfo brothers para sirain ang kanilang kredibilidad.

Bungad ni Ben kay Anthony, “Listen kid. Grow up, bago ka tumingin sa bakod ng iba. You are so corrupt!

“Once upon a time, sabit-sabit ka lang sa jeepney, bus, and I’m not putting you down. And all of a sudden, how come ang dami mo nang fleets ng mga sasakyan? Explain that to me now…

“Anthony Taberna, aligned with Tonio Trillanes… explain that to me,” na sinundan nito ng mapang-asar na tawa ha­bang idine-describe si Ka Tun­ying na may saklob daw sa ulo da­hil sa pagiging panadero.

Kasunod nito ay kinu­wes­tiyon na ni Ben kung saan daw galing ang yaman ni Anthony.

Kung titingnan mo, ang suweldo mo diyan sa iyong pa­giging anchor sa radyo, mil­yones ba ang halaga niyan? Oh, ABS-CBN, paliwanag nga. Magkano ba suweldo niyan? Oh ngayon, sino ang corrupt?

“Iba talaga ‘pag sina­sabing ‘attack and collect, defend and collect’. Kaya ayaw mismo sa iyo ng network mo, eh. Ayaw kang paupuin d’yan sa TV Patrol. Ayaw ka ng boss mo kasi ayaw nilang maba­hiran sa ‘yo,” kumakagat pang akusasyon ni Ben kay Ka Tunying.

Dagdag pang banat ni Ben, mga mismong kasamahan daw ni Ka Tunying sa ABS-CBN ang nagbibigay sa kanya ng ‘bala’ laban sa Kapamilya anchor dahil mismong mga katrabaho raw nito ay hindi gusto ang mga ginagawa niya.

Don’t you know, sa network mo mismo, isinusuka ka?! At sa network mo mismo nagsasabi ang mga ibang kasa­mahan mo d’yan,” sabi ni Ben na nagbanta pang series ang ilalabas niyang banat kay Ka Tunying.

Inismol din nito ang kapwa komentarista by saying, “Gusto mo ng gibaan? Look, you’re no match for me.”

Kasunod nito, may hirit din si Ben sa ABS-CBN na imbestigahan daw si Anthony Taberna kaugnay nga ng corruption na inaakusa niya rito.

At maging ang Iglesia ni Cristo (INC) na kinaaanibang relihiyon ni Ka Tunying, idinamay pa ni Ben Tulfo.

Aniya, “Meron na akong timbre sa kinaaaniban mong simbahan na I will hit you back because you’re hitting me below the belt.”

At panghuli, binantaan ni Ben si Anthony na siguraduhin lang daw nitong physically, mentally at emotionally ready ang huli kapag hinarap siya.

Habang isinusulat namin ito, wala pa kaming naririnig na sagot ni Ka Tunying sa mga banat ni Ben.

Abangan na lang natin kung papa­tulan ng respetadong Kapamilya com­men­­tator ang mga banat ng bruskong si Ben Tulfo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page