GWAPS kiosk sa Bgy. Divisoria sa Zamboanga, bukas na!
- Thea Janica Teh
- May 30, 2019
- 2 min read
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay nagkita si Government Service Insurance System (GSIS) Chairman Rolando Macasaet at ang mga stakeholder sa Zamboanga City para ibigay ang additional kiosk.
Si Chairman Macasaet ay isa ring Zamboangeño kaya naman maganda na maipamahagi niya sa kapwa niya Zamboangeñong miyembro ng GSIS ang mas pinadaling serbisyo.
Ito ay ginanap sa Garden Orchid Hotel at inilagay naman sa Integrated Bus Terminal ng Barangay Divisoria ang GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk. Ito ay dinaluhan ng halos 100 miyembro at pensioner kasama ang representative ng iba pang government agency tulad ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Bukod pa rito, ibinahagi ni Chairman Macasaet ang kanyang mga pangarap na plano para sa mga miyembro at pensioner ng GSIS. Ilan dito ang pagpapatayo ng day care center na puwedeng pag-iwanan ng mga anak na may edad 3-8 ng mga miyembro, ang mabilis na pagkuha ng loan ng mga guro kasama ang mga barangay official, pag-offer ng Financial Assistance Loan sa lahat ng miyembro at pagtaas ng bilang ng GSIS scholars.
Halos 2,000 pensioners ang matutulungan ng GWAPS. Maaari nilang i-renew ang kanilang active status, mag-apply ng loan at mag-check ng kanilang membership at loan records. Hindi ka lang nakatipid sa pera, nakatipid ka pa sa oras at effort!
Ang GWAPS na inilagay sa Zamboanga ay accessible sa lahat ng miyembro, lalo na sa area ng Zamboanga-Pagadian-Dipolog route. Ito ay pangalawa ng installment sa Zamboanga, ang naunang kiosk ay inilagay sa Sangali Community Health Center sa Barangay Sangali na halos 70 kilometro ang layo sa GSIS Zamboanga Branch Office.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments