top of page
Pokwang.jpg

Premium experience, hatid ng Yamaha sa mga Caviteño!

Thea Janica Teh
May 29, 2019
1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Napapasarap talaga ang long ride kapag kasama ang ating love ones, pero mas lalo tayong mag-e-enjoy kung ang gamit natin ay Yamaha! Kaya naman mas mapapasarap pa ang paggamit ng Yamaha sa world-class facility na RevZone!

Good news sa mga Caviteño dahil kamakailan lamang ay nagbukas na ang Yamaha RevZone Daang Hari kasama ang Motor Ace Philippines. Ang RevZone ay inspired sa Yamaha Flagship Shop-YZONE. Ito ay nag-o-offer ng top-of-the-line amenities na maaaring ma-experience ng mga motorsiklista! Maaari rin nilang magamit ang whole collection ng Yamaha motorcycles mula MIO Series hanggang sa luxurious big bikes!

Sa second floor naman, maaaring makapag-relax ang mga guest at maaari rin gawing meeting room. Hindi tayo maiinip dahil habang ginagawa ang ating motor ay may service area na maaaring mapanood at matutukan ang paggawa sa ating motor.

Ang inauguration ay ginanap sa YMPH at Motor Ace Philippines representatives kasama si Yamaha Mio Aerox Ambassador Matteo Guidicelli! Hindi lang ‘yan, nandito rin ang daan-daang Yamaha Club riders para makisaya at masubukan ang premium experience. Sumali rin sila sa motorcade activity at ipinakita ang Yamaha motorcycle sa Daang Hari, Cavite.

Hindi pa natatapos d’yan ang kasiyahan dahil sa gabi naman ay nagkaroon ng Yamaha Big Bikes Night kung saan nagsama-sama ang mga rider. Kasama ring nakisaya sina Comedy Manila, Alex Calleja, Anthony Andres at James Caraan.

Ang Yamaha RevZone sa Cavite ay pangsampu na sa bansa at patuloy pa rin sa pagbibigay ng premium riding experience sa mga rider sa buong Pilipinas!

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page