top of page
Dennis, Claudia at Basti - Circulated.jpg

Napananaginipan ang dating nakakasama

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Louvella ng Louvella_Dela_Cruz@ facebook.com

Dear Professor,

‘Yung dating naka­ka­sama ko ay palagi kong napananaginipan kahit magkalayo na kami.

Ano ang ibig sabi­hin nito?

Salamat!

Naghihintay,

Louvella

Sa iyo Louvella,

Hindi nakapagtataka, iha, kung mapanaginipan natin ang taong ating na­kasama. Ito ay simpleng nagsasabi na siya ay nag­karoon ng mahalagang papel sa buhay mo.

Tulad noong kasama mo siya, ikaw ay malakas, pero ngayong wala na siya ay mahina ka na. Kum­baga, you are weak dahil wala ang taong nagpapa­lakas ng loob mo.

Kaya ang panaginip mo ay nag­bibigay-diin na kailangan mong muli ang taong mag­bibigay sa iyo ng lakas.

Pansamantala, kahit na sinasabing ikaw ay weak, puwede ka ring maging strong. Ito ay mangyayari kapag isinabuhay mo ang magagandang bagay na sinasabi niya sa iyo noong magkasama pa kayo.

Ang totoo, iha, hindi ang mismong tao ang nag­bibigay ng lakas sa kan­yang kapwa kundi ang kanyang mga ginawa at sinabi, kaya ang mga ito ang nagbigay ng inspiras­yon sa iyo upang maging malakas ka.

Kung ang kalakasan mo ay nakasalalay sa mis­mong tao, ikaw ay mana­natiling mahina at malaki ang tsansa na ma-in love ka sa mas matanda sa iyo na talagang malaki ang agwat sa edad mo.

Okay ang ganu’n at ibi­nabalita ko sa iyo na ‘yun na ang usung-uso ngayon. Kaya lang ito rin ay nagre­resulta sa pagbuo ng pa­milya na ang babae o mi­sis ay sobrang api dahil si misis ay mahina at ang kan­yang lakas ay na­ka­sandal lang sa matanda na kinakasama niya.

Bihirang-bihira lang sa mga babae na nakapag-asawa ng matanda ang na­kakayang i-under ang ka­nilang asawa.

Muli, hindi sa tao na­ka­kapit ang lakas ng isa pang tao, ito ay nasa salita at gawa, gayundin, sa prin­sipyo ng buhay na natu­tunan nila mula sa taong nagbigay sa kanila ng lakas.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page