top of page
Pokwang.jpg

Malinaw ayon sa palad... MAG-ASAWANG NAKATAKDANG MAIPAGAWA ANG BAHAY NA MATAGAL NG PINAPANGARAP

Writer: BULGAR
BULGAR
May 29, 2019
3 min read

KATANUNGAN

  1. Bakit kaya ganu’n, Maestro, masipag naman kaming mag-asawa at pare­hong may trabaho, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabago sa buhay namin? Mahirap pa rin kami at walang sari­ling bahay at lupa?

  2. May pag-asa pa kayang magkaroon kami ng sariling bahay nang sa gayun ay hindi na kami mangupahan?

KASAGUTAN

  1. Nahulog sa pagitan ng daliring hintuturo at hinla­lato o panggitna ang Fate Line na tinatawag din nating Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Bagama’t, malinaw at makapal ang nasabing Fate Line (arrow b.) dahil nahulog ito sa pagitan ng mga daliri (arrow a.), sa halip na pumirmi sa tuktok ng bundok o sa pinakailalim ng daliring hinlalato, ito ay tanda na mahihi­rapan ka ngang makaipon ng sapat na salapi upang ma­tupad ang pangarap ninyong magkaroon ng sariling bahay at lupa. Sa ibang libro ng Palmistry, ang ibig sabi­hin ng nahulog na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa pagitan ng mga daliri ay ‘yun nga, magkakapera ka at hahawak din ng malalaking halaga ng salapi paminsan-minsan, pero palagi namang ang hinahawakang pera ay nauubos din kaagad.

  3. Kumbaga, naging ugali mo na ang mamili nang mamili ng kung anu-ano at walang kabuluhang bagay, sa halip na unahin mo ang pag-iimpok o pag-iipon. Kaya kung hindi ka magbabago ng kilos at galaw, parang turumpong bilog, sa hinuhukayan mong kahirapan, ha­bambuhay ka na ru'n sasadlak.

  4. Kaya dapat maging mahusay ka sa paghawak ng pera o sa pagba-budget ng inyong kinikita at hindi ka gastos nang gastos. Sa ganyang paraan lamang, baka sa­kaling umunlad ang inyong kabuhayan at matupad ang pangarap ninyong magkaroon ng sariling bahay.

  5. Ang isa pang pinakamagandang solusyon ay ganito, tingnan o suriin mo ang kaliwa at kanang palad ng iyong mister kung saan kung makita mong nanatili ito sa Bun­dok ng Saturn, ito ang ilalim na malamang bahagi ng da­liring panggitna, ang kanyang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) sa kaliwa at kanang palad, siya na lang ang paghawakin mo ng inyong income. Makikita mo, kapag si mister na may Fate Line na hindi nahulog sa pagitan ng mga daliri (arrow c.) ang humawak at nag­paandar ng inyong kabuhayan, magagawa niyang maka­pag-impok at makapagtabi ng pera hanggang sa tuluyang magkatotoo ang pangarap ninyong dalawa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sinasabing, kung parehong nahulog sa pagitan ng mga daliri ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a. at b.) sa kaliwa at kanang palad ng mag-asawa, malungkot sabihin, pero posibleng ‘yun na ang mangyayari, malabo silang umunlad at yumaman o magtagumpay nang todong-todo sa aspetong pangmateryal.

  2. Kung ganu’n, ano ang pag-asa na yumaman o umunlad ang pamumuhay ng nasabing mag-asawa? Siyempre, nakasalalay ang kanilang tagumpay sa larangan ng materyal na bagay sa paglaki o pag-graduate ng ka­nilang mga anak. ‘Yung anak na mayroong good-looking Fate Line na hindi nahulog sa pagitan ng mga daliri (ar­row c.) kung saan darating ang panahon sa kanilang buhay na ang nasabing anak ang magpapayaman at magha­hatid ng kasaganahang pangmateryal sa kanila.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Carmina, ang da­pat mong gawin ngayon ay mag-practice ng tamang pag-manage sa inyong kabuhayan kung saan kapag duma­rating ang araw ng suweldo, unahin mo muna ang pag­tatabi ng kaunting halaga bago kayo gumastos.

  4. Sa ganyang marunong kang mag-manage ng inyong kabuhayan, sa pag-iipon na hindi gagalawin ang nasabing ipon, darating ang panahong lalaki rin ‘yan nang lalaki hanggang sa dumami at kapag maraming-marami na ang naitabi ninyong pera, sa taong 2025, unti-unti na kayong makabibili ng sariling lupa hanggang sa maipagawa ninyo ang matagal ng dream house ng mag-anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page