Helicopter bumagsak, 6 patay
PATAY ang anim katao matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter sa Mexico.
Kabilang sa mga nasawi ang limang Mexican Navy at inspektor ng kanilang national forestry commission.
Ayon kay Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador, naganap ang aksidente sa remote area sa North-Central State ng Queretaro.
Dagdag pa nito, nagsagawa ng operasyon ang mga biktima para apulahin ang sunog sa gubat nang mangyari ang insidente.
Samantala, ayon sa Mexican Navy, nag-take-off ang MI-17 helicopter mula sa Valle Verde sa San Luis Potosi dala ang 2,500 litro ng tubig para sa nasabing operasyon.
Matatandaang, ilang buwan nang nagkakaroon ng wildfire sa central Mexico dahil sa bihirang pag-ulan at mataas na temperatura.





Comments