GO-FOR-GOLD CSB, NAGPAKABOG; PT ARMY AT GAZZ, MAGPAPATIBAY


AGAD naramdaman ang pagbabalik ni Gab Banal sa Go for Gold-CSB matapos niyang ibigay sa koponan ang 84-81 panalo kontra Centro Escolar University kahapon upang makapuwersa ng do or die game sa 2019 PBA D-League Quarterfinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig. Ibinuslo ni Banal ang winning 3-pointer may nalalabi na lamang 17.5 segundo sa laban.
Nagawa ring makaiwas ng Scratchers mula sa 20-point collapse at makahirit ng do-or-die Game sa Huwebes ng hapon. “I’m happy that we’re still alive, but we probably deserve to lose that game. We were up big and seems like we never learn. The maturity is still isn’t there,” ani Go for Gold coach Charles Tiu. Matapos lumamang ng 20 puntos ng makailang beses sa third period, nalagay sa alanganin ang Go for Gold-CSB matapos humabol ng Scorpions sa pamumuno nina Rich Guinitaran at Judel Fuentes hanggang maitabla ang iskor sa 81-all, may natitira pang 2:06 sa laban.Tumapos na topscorer para sa Scratcher si Roosevelt Adams na may 26 puntos at 13 rebounds.
Samantala, panatilihin ang kanilang pangingibabaw sa pamamagitan ng pagpuntirya ng ikalawang dikit nilang tagumpay ang tatangkain ng mga opening day winners Pacific Town Army at ng Petro Gazz sa kanilang pagsalang sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa 2019 PVL Reinforced Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Mauunang sumabak ang Lady Troopers sa ganap na alas-2:00 ng hapon kontra defending champion Creamline Cool Smashers kasunod ang Angels na sasagupain ang ngayon pa lamang lalaro na Banko Perlas sa ika-4:00 ng hapon. (VA)





Comments