CYCLISTS PA-SEA GAMES, SUSUBUKIN SA TAGAYTAY NAT’L OPEN ROAD RACE

MALALAMAN ang mga pangalan ng cyclists na kakatawan sa ‘Pinas sa 2019 Southeast Asian Games matapos ang National Open Cycling Road Race sa susunod na buwan na gagawin sa Tagaytay City na tutunghayan ni Philcycling president at POC Chairman Abraham “Bambol” Tolentino.
Dahil manonood si Tolentino, tiyak ipakikita ng mga aspirants ang kanilang galing upang makumbinsi ang cycling president at ang coaching staff.
“The names of the cyclists that will compete in the SEA Games will be known right after this competition. This is the final phase of the series of elimination,” sabi ni Go for Gold team manager Jeremy Go sa panayam sa kanya sa katatapos na PRURide 2019 Ph. Cycling na napanalunan ni Marcelo Felipe.
Lumahok ang mga aspirants kasama sina Ismael Grospe Jr., Ronald Oranza, Mark John Camingao, Daniel Ven Cariño at dating tour champion Mark John Lexer Galedo na nakipagtagisan sa mga banyagang kalaban galing sa 15 mga bansa.
Mahigit 100 cyclists ang kalahok sa National Open para sa 130 kilometrong distansiya na mag-uumpisa sa Convention Center at magtatapos sa Palace in the Sky sa Tagaytay City. Babagtasin ng cyclists ang mga bayan ng Batangas kasama ang Nasugbu, Calatagan, Balayan, Calaca at Laurel. “Tiyak na do-or-die ang aspirants para makalahok sa SEA Games,” sabi ni Go.





Comments