Bangka lumubog, 30 todas
TATLUMPU katao ang nasawi habang hinahanap ang 200 iba pa matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa western Congo.
Ayon sa mayor ng Inongo, Congo, karamihan sa sakay ng naturang bangka ay pawang mga guro.
Regular aniyang bumibiyahe sa Lake Mai-Ndombe sakay ng bangka ang mga guro para kumuha ng kanilang suweldo dahil sa hindi magandang kondisyon ng kalsada roon.
Hindi pa tiyak kung gaano karami ang sakay ng bangka pero, ang hindi magandang lagay ng panahon ang tinitingnang dahilan ng paglubog nito.





Comments