Anak mo, Sharon, 'di na nakatiis… KC, NAGSALITA NA SA BREAKUP NILA NG FRENCH BF
- BULGAR

- May 29, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAY makabuluhang payo ang aktres-singer na si KC Concepcion sa madlang pipol na gustong mag-diet.
Aniya, “Although I love to be surrounded by pretty things, what matters most is what helps you glow from the inside - taking care of your thoughts, soul and body.”
Ayon kay KC, para maging effective ang pagda-diet ay kailangan ding iwasan ang mga toxic na tao at sitwasyon sa ating buhay.
Aniya, “Being on a diet isn’t always what you eat- doesn’t it also mean eliminating (or at least avoiding) toxic situations, people + thoughts from your everyday life?
“It’s actually simple. What you invest your energy in, good OR bad, will grow.”
Pagpapatuloy pa niya: “Every day I try my best to watch what I think, and to stop when I feel self-doubt. Every day I try to surround myself with people who make me feel good, not otherwise, and I love being around people who I care about and admire. Hoping we all make it to living our best lives and get to share our energy wisely!!!”
Ito siguro ang rason kung bakit blooming ang aktres. Marami kasi ang nakakapunang netizens sa pagiging blooming ngayon ni KC, kaya ang hula ng ilan ay nagdadalantao na raw ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Nitong Linggo (May 26), sinagot ni KC ang mga random na tanong ng mga netizens sa kanyang Instagram account.
Sey ng isang netizen, “Bakit may nag-comment o nagtanong dito na PREGNANT kasi blooming? Napaka-smart naman ng tanong na ito. Hehehe. Pangit ba si KC kung hindi pregnant? What do you think?”
Dito ini-reveal ni KC na gusto na niyang magbuntis at magkaroon ng ‘babies’, so hindi lang ito isa.
Aniya, “Oh, how I WISH I could be pregnant. Unfortunately, I’m not. I do want to have babies already though.”
Bukod dito, sinagot din ng aktres-singer ang netizen na nagtatanong ng update sa relasyon nila ng kanyang French BF na si Pierre-Emmanuel Plassart.
Sey ng netizen, “Wala nang balita about your boyfriend. Dati panay ang post pero ngayon, wala na. Ganu’n lang ba ‘yun? Ganu’n lang ka short-lived?”
Sagot-pabalik ni KC, “Dahil hindi nagpo-post at may konting privacy, ganu’n agad? Grabe!”
Matapos ang matagal na pagbabakasyon sa US, balik-bansa na si KC kung saan una niyang binisita ang mga kapatid kay Mega.





Comments