top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

REAL GOLD, CHAMP

Ding Taboy
May 28, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

NAGING matagumpay ang idinaos na 2019 Philracom 1St Leg Triple Crown Stakes Race ng magkita-kita ang mga promineteng Horse Owner na pinagwagian ng dehadong Real Gold matapos pakainin ng alikabok ang liyamadong si Obra Maestra sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite noong Linggo ng hapon.

Mistulang naupos na kandila ang Obra Maestra nang dumating na pang-apat na puwesto makaraang manalo ang deremateng si Real Gold, pumangalawa ang Jayz at pangatlo ang Toy For The Bigboy. Hindi naging mahirap ang laban para kay Real Gold na ibinigay ang buong husay.

Kinubra ni Real Gold ang unang premyo na P1.8 Milyon, kinuha naman ng Jayz ang 2nd prize na P675,000 at napunta kay Toy For The Bigboy ang 3rd na P375,000 at naiuwi ang premyong P150,000 ng kabayong Obra Maestra. Ginulat din ang publikong karerista sa pagkapanalo ng Shanghai Noon sa 2019 Philiracom “Hopeful Stakes Race” nang talunin ang liyamadong Best Regards at Two Timer.

Sumegunda ang Phenomenal at 3rd ang Best Regard habang 4th ang Two Timer.

Sa susunod ang 2nd Leg Triple Crown sa buwan ng Hunyo, tiyak na magkakalaban ang Shanghai Noon at Real Gold. Marami ang magaganap na paghahanda sa 2nd Leg Triple Crown at may mga tatakbo sa Hopeful Stakes Race matapos mabigo sa Triple Crown.

Samantala, aalagwa ang Additional One Win in Group Races sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas. Sa Race 1 ng Winner Take All (WTA), nakalalamang ang Indian Warrior, habang panegunda ang Lundagin Mo Baby.

Isama ang couple entry na Kaleidoscope at Superal, habang sa Race 2 na simula ng Pick 6, ipinapatok ang Marahuyo at may tsamba ang couple entry na Kissing Bandit at Light and Shade.

Nakalalamang ang Noble Run sa pag-uumpisa ng Pick 5 sa Race 3, habang pangalawa ang couple entry na Milky Way, More Stripes at Cleave Ridge, habang nakalalamang ang Change The World at makakalaban ang Melvin The Man sa Race 4.

Tip ni Mang Ding: Race 1- Indian Warrior (5) Lundagin mo Baby (1) Race 2- Marahuyo (1) Entry No.2 Race 3- Noble Run (1) Entry No. 3 Congressional (4) Race 4- Change The World (2) Melvin The Man (6) Race 5- Victorious Filly (6) Beacon Street (3) Race 6- Ravel (4) Gonzee’s Bet (6) Race 7- Whatdreamsmaycome (4) Entry No.2 Entry No.7

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page