top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PAGULAYAN, KAMPEON, HINDI MATIBAG SA BUFFALO CLASSIC

Eddie M. Paez, Jr.
May 28, 2019
1 min read

IPINOSTE ni dating World 9-Ball King at Pinoy cue artist Alex “The Lion” Pagulayan sa kanyang panglimang korona ngayong taong ito matapos pagharian sa tulong ng pamatay na finishing kick ang 5th Annual Buffalo Pro Classic sa Jefferson, Los Angeles.

Inilampaso ni Pagulayan, tubong Isabela, si Corey “The Prince of Pool” Deuel sa kanilang championship showdown, 5-0, upang mamayani sa torneong may double elimination format at nagkaloob ng $10,000 sa nagkampeon.

Nauna rito, winalis ni Pagulayan sina Tony Chohan, 5-2; Scott Frost, 5-4, Roberto Gomez, 5-1 at Jeremy Jones, 5-3, para mapanatili ang malinis na kartada sa malupit na kompetisyong nilimitahan lang sa 16 na piling manunumbok mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa kabila ng pagkatalo, nananatiling kumikikig si Gomez sa losers’ side at isa na lang siya sa anim na bilyaristang may tsansa pa sa korona.

Kasama naman sa mga nag-ambisyon pero nalaglag na sa torneo ang mga alamat na sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Dennis “Robocop” Orcullo, Evan Lunda, Jason Brown at si Chohan. Tinalo ng tubong Angeles City na si Reyes, ang 2018 champion, si Bustamante, sa opening round (5-1) pero tumiklop si Reyes kay Gomez (4-5). Sa one-loss na grupo, nakahirit uli ng panalo si Reyes (laban kay Jason Brown 5-4) pero pinag-empake na siya ni Chip Compton (2-5). Nabiktima ni Bustamante sina Mark Gregory (5-1) at Danny Smith (5-2) pero kinapos siya nang makaharap si Corey Deuel (2-5) kaya natuldukan na ang kampanya ng manunumbok mula sa Tarlac.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page