top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ngayong balik-Senado… BONG, ATRAS NA SA MMFF 2019

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 28, 2019
  • 1 min read

MARAMI ang labis na nanghihinayang dahil hindi na nga makakasama ang pelikula ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Metro Manila Film Festival 2019. Inaabangan pa naman ng kanyang mga tagahanga ang peli­kulang entry niya sa MMFF 2019, ang Alyas Pogi 2.

Pero, sobra nang gahol sa panahon dahil hindi nila na­asikaso agad ang preparasyon sa pag-uumpisa ng shooting. Lahat ay abala sa pangangampanya noong nakaraang midterm election. Busy si Bacoor Mayora Lani Mercado, Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla, maging ang mga kapatid ni Bong na sina Konsehala Rowena Bau­tista, Stryke at Marlon Bautista at Mayora An­deng Bautista-Ynares na mayor ng Antipolo.

Mas magiging masaya, makulay at star-studded sana ang MMFF 2019 kung may movie si Bong na panlaban sa entries nina Bossing Vic Sotto, Vice Ganda, atbp. malalaking celebrities. Ikatutuwa ito ng mga batang umiidolo sa kanila.

Pero, ang prayoridad ngayon ni Bong ay ang kanyang tungkulin bilang senador. Binigyan siya ng chance at muling pinagkatiwalaan ng ating mga kababayan. Kaya, sa Senado muna siya tututok nang husto at magiging hard­working and dedicated na public servant.

Pero, hindi niya ganap na tatalikuran ang kanyang showbiz career.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page