Ibinuking sa show… ION, IPINAGSIGAWANG PALAGI SIYANG HINAHAWAKAN NI VICE
- BULGAR

- May 28, 2019
- 1 min read

NATIGAGAL si Vice Ganda sa pambubuking na ginawa sa kanya ng rumored boyfriend at kasama rin sa It’s Showtine na si Ion Perez.
Nangyari ang pagbubulgar sa espesyal na relasyon ng dalawa sa Kapare-Who segment ng noontime show sa Kapamilya Network.
Naging topic kasi sa naturang segment ang tanong na saang part ng katawan ng mga contestants sila may kiliti. Kaya nag-segue naman si Vice sa katabi niya that time sa stage na si Ion at tinanong ang dating escort lang sa It’s Showtime.
Tanong ni Vice, “Ikaw, saan ang kiliti mo?”
“Sa kilikili, ‘di ba? Lagi mo ‘yung hinahawakan,” something to that effect ang naging tugon ni Ion kay Vice.
Nagulat si Vice at ‘di nakapagsalita sa sinabi ni Ion. Sinabayan pa ito ng umaatikabong kantiyaw kay Vice ng mga kasama niya sa show.
Nagmistula tuloy ginisa sa sarili niyang mantika si Meme Vice.
At saan nga ba nahuhuli ang isda?





Comments