SHANGHAI NOON, HARI SA HOPEFUL RACE

PINAGWAGIAN ng Shanghai Noon ang katatapos na 2019 Philracom “Hopeful Stakes Race” sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Nagkaroon ng kaunting drama ang nasabing karera dahil nahuli sa alisan ng kabayo ang Shanghai Noon na naging maagap ang hinete na si Class A Jockey O P Cortes.
Pumangalawa ang Phenomenal habang dumating na pangatlo ang Best Regards at pumang-apat ang Timer Timer.
Naging malaking challenge para kay Shanghai Noon dahil umalis na kulelat sa umpisa ng karera, ngunit naging mabilis ang pag-agaw sa pangunguna sa Best Regards habang nakasunod ang isa pang dehado na si Phenomenal nang tawirin ang finish line.
Naorasan sa bilis na 1:42 ang Shanghai Noon at hinablot ang unang premyong P600,000 habang hinablot ang 2nd place na may papremyong P225,000 ng Phenomenal at kinuha ang P125,000 ng 3rd placer na Best Regards at P50,000 sa 4th placer na Two Timer.
Itinanghal na kampeon ang kabayong Serafina na may tatlong kabayo ang layo sa sumegundang Silad sa 2019 Philracom 3 Year Old Locally Bred Stakes Race sa Race 1.
Walang nagawa ang segundang llamado na Weather Lang nang makuha ni Moca’s Mark ang bandera habang pumangalawa ang Silab na entry ni Benhur Abalos Jr.
Habang nagpapalakas ang Serafina na umalis na pangsampu hanggang pagsapit sa huling likuan na kinuha na ang unahan kay Silab habang nakabuntot pa rin ang Iikot Lang na dumating na tersero sa nasabing karera habang itinanghal na pang-apat ang Weather Lang.
Pinagwagian ng Shanghai Noon ang 2019 Philracom “Hopeful Stakes Race” 3.
Pumangalawa ang Phenomenal habang dumating na pangatlo ang Best Regards at 4th ang Timer Timer.





Comments