LADY ACES, BUMIDA SA WOMEN’S NBL VS. DELTA

TINALO ng Parañaque Lady Aces ang Pampanga Delta Amazons, 72-71, noong Sabado sa pagpapatuloy ng aksyon sa Women’s National Basketball League (WNBL) sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Umiskor ng 29 points at 9 rebounds si Khate Castillo habang gumawa ng 17 points at 8 assists si Camille Claro para sa Lady Aces na nagtala ng 2-0 na kartada matapos ang panalo kontra sa Delta Amazons.
Umabot sa siyam ang kalamangan ng Lady Aces sa laro. Naging anim ang abanse ng Lady Aces matapos ang tres ni Castillo may 3:33 ang natitira sa laro, 71-65.
Dumikit ang laro matapos umiskor ng two points si Mina Reyes, 72-71, 1:16 ang natitira sa laro ngunit hindi nakabuslo ang Delta Amazons sa huling play ng laro pagkaraang magmintis si Ruby Mendoza.
Bumaba ang kartada ng Delta Amazons sa 0-2. Nag-ambag ng 15 points si Nixie Jimenez habang gumawa ng 13 points at 9 rebounds si Reyes para sa Pampanga.





Comments