top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Aktres, ini-enjoy lang, wa' balak pakasalan… XIAN, 'DI MASABING TRUE AND GREATEST LOVE SI KI

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2019
2 min read

NAPAGTUUNAN namin ng pansin ang separate interview ni Kuya Boy Abunda kina Kim Chiu at Xian Lim. Strange nga naman na ‘di ma­amin-amin ng dalawa na sila na in previous interviews.

In his recent interview with Kim, naitanong ni Kuya Boy kung si Xian ang true and greatest love nito. Hindi sinagot nang diretsahan ni Kim ang tanong. Parang hesitant pa nga si­yang sumagot.

On the other hand, nu’ng si Xian na ‘yung nasa hot seat, hindi rin niya sinagot ‘yung tungkol sa true and greatest love but he assured Kuya Boy that he loves Kim, and is enjoying the moment since life is short.

Pero kung saan patungo ang relasyon nila, again, there was no definite answer from Xian.

Poor Kim, she maybe waiting for years until Xian will be ready to walk with her down the aisle.

One very interesting thing about Kim ay ‘yung paniniwala niya na ‘yung puma­naw na niyang mommy is always beside her during trying times in her life.

Naikuwento niya nu’ng min­san, humihingi sa kanya ng mala­king pera ang kapatid niyang lalaki.

Kuwento ni Kim, “Hindi ko maibigay-bigay ‘yung hinihingi niya. Ang laki, Kuya Boy! Gusto niya kasing mag-piloto. So, todo-tanggi ako, ayoko siyang maging pilot.

“Then suddenly, nakita ko na lamang ‘yung isang butterfly na lilipad-lipad sa harap ko. ‘Yun, again, it reminded me of my mom. Naisip ko, siguro, gusto ng mom­my ko na maging piloto ang kapatid ko.

“Pilit man, ibinigay ko na rin sa kanya ang pam­bayad sa tuition. And now, happy ako na at last, pilot na ang kapatid ko and on his own na.”

Sa mga oras daw na may mga problema siya, nagugulat siya kapag bigla na lang uma-appear ang paru-paro at nagpapakita sa kanya.

Ayon kay Kim, “Sign ito at nagpapa-remind ang mommy ko na she is always beside me.”

After 12 years in showbiz, sabi ni Kim, nagpapa­salamat pa rin daw siya na kahit papaano, nabi­big­yan pa rin siya ng pagkakataong maging host o mag-guesting sa Kapamilya Network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page