After daw manganak sa baby nila ni Coco, nanahimik… JULIA, LUMANTAD NA SA INSTAGRAM
- BULGAR

- May 27, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS mag-hiatus si Julia Montes sa kanyang social media accounts, nagbabalik ang aktres para suportahan at pasalamatan ang network niyang ABS-CBN sa ibinibigay nitong opportunity sa kanya.
Aniya sa kanyang Instagram post, “Maraming salamat po sa istasyong patuloy na tapat nagseserbisyo at nagpapasaya sa ating mga Kapamilya saanmang sulok ng mundo... Salamat din po na sa 65 years ay isa po ako sa binuo n’yo ang mga pangarap... Maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay ninyo sa akin para maipakita ang konti pong kakayahan kong ibinigay ng Diyos... Salamat pong muli KAPAMILYA.”
Matapos ang serye niyang Asintado, pumunta ang aktres sa Germany para makapiling ang kanyang ama. Kasabay nito ang pagputok ng balitang diumano’y nanganak siya sa baby nila ng bida sa Ang Probinsyano na si Coco Martin.
Makalipas ang ilang buwang hindi pagpo-post sa social media at pagiging absent sa telebisyon, na-miss ng mga fans ang aktres, kaya bumaha ang komento sa kanyang recent post.
Narito ang ilang komento ng mga netizens.
“Super tuwa naman na pagbukas ko ng IG ko ikaw agad, our Queen Babe Juls nakita ko. Salamat nagparamdam ka na... really misses you from us #Cocojul please do take care. Dami nakaabang sa post mo, babe. I am happy when you are happy.”
“We miss you so much! Love you Juls! JulKath project again please!”
“Ang sarap sa mata mag-read halos lahat na commentors. I MISS YOU mga tels… By the way miss you also Juls… Ingat and enjoy always kung ano meron ka ngayon.”
“Naiiyak ako sa tuwa graveh… Mahal na mahal ka namin Julia..”
“Balik ka naaaaa. We miss you so much. Kahit ganitong post lang, means so much na sa ‘min. I love you, Juls.”





Comments