Bagets dedbol sa kuryente
Pabs Hernandez III
May 25, 2019
1 min read
ZAMBOANGA CITY—Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. La Paz sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Marvin Salcedo, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad umano si Salcedo ay natapakan nito ang isang live wire kaya nakuryente ang biktima.
Nabatid na dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente ay agad namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktima.





Comments