SEÑOR LUCAS, PATOK!

TITIKADA ngayong gabi ang Additional One Win In Group Races sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Sa Race 1, masasaksihan ang 1st Winner Take All (WTA) na paglalabanan ng 10 kalahok at pinapaboran ang kalahok na Summer Cruise, couple entry na Pabulong, True Religion at Batang Rosario.
Nakalalamang ang couple entry na Calaguas Island at AllByMySelf na posibleng tumalo ang SpectreoftheKnight at Joy Joy Joy sa umpisa ng Pick 6 sa Race 2.
Ipinapatok ang Kingship, habang panegundo ang Jade Master at may tsamba ang Piskante sa Race 3 sa simula ng Pick 5.
Sa race 4, simula ng Pick 4, ipinapatok ang Malatan Og Falls laban sa Manang Biday at Classy Babe. Aarangkada sa Race 5 at ipinapatok ang Manila Boy habang ang Pious Ashley at Miss American Pie ang posibleng tumalo. Ipinapatok ang Señor Lucas, habang makakalaban ang Most Trusted at Can You Giub sa itama sa pagtaya ng Trifecta sa Race.
Pinapaboran ang Avenue Shopper habang panegundo ang Royal Chica habang isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang mga kalahok na Red Lion, couple entry na High Ranks, Ilove Henry at Kay Tagalog sa Race 7.
Tip Ni Mang Ding: Race 1- Summer Cruise (9) Batang Novaliches (1) Race 2- Entry No.2 Joy Joy Joy (7) Race 3- Kingship (2) Jade Master (3) Race 4- Malatan Og Falls (1) Manang Biday (5) Race 5- Manila Boy (5) Pious Ashley (1) Race 6- Señor Lucas (4) Most Trusted (5) Race 7-Avenue Shopper (3) Royal Chica (1).





Comments