HOROSCOPE | Mayo 24, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 24, 2019 (Biyernes): Huwag mong sayangin ang iyong pagiging masuwerte, sa halip, gamitin mo ito sa iyong kapwa, mas magandang unahin mo ang iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pagsabay-sabayin ang gusto mong gawin. Unahin mo ang madali at isunod ang medyo mahirap dahil sa huli, ang mahirap na proyekto ay madali mo ring magagawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-23-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa mga kaibigan mong may malasakit sa iyo ang mga suwerte mo. Huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanila. Gawin mo ito at ang mga suwerte mula sa kanila ay darapo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-19-20-25-34.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang mangako kapag masaya ka dahil kapag masaya ang tao, kahit ang hindi niya kaya ay ipapangako niya, kumbaga, wala sa reyalidad ang taong sobrang masaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-20-21-35-40.
CANCER (June 21- July 22) - Masarap balikan ang nakaraan, pero hindi puwedeng mabuhay ang tao sa kanyang nakaraan. May mga ngiti man ang nakaraan, dapat ay mas pinahahalagahan ang hinaharap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-15-18-28-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ibaba mo ang iyong sarili! Sa totoo lang, mas mataas ang personalidad mo kaysa sa mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-25-30-45-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong magalit. Walang magandang ibinubunga ang galit. Masisira lang ang diskarte mo at mawawala ka sa tamang direksiyon kapag ipinairal mo ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-16-20-27-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghintay ka! Huwag kang mainip. Ang nagmamadali ay hindi lang nadarapa kundi nagsisisi rin sa huli. Higit kailanman, ngayon ka dapat maging kalmado. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-16-17-21-25-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Sapat ang iyong kaalaman at likas na talino para magawa mo ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-22-25-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magbulag-bulagan! Ang magagandang ginagawa ng mga tao ay pasalamatan mo nang sa gayun, ang mga ito ay mas lalo pang gumaling at humusay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-19-22-28-30-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iba’t iba ang kulay ng tao. May kulay ng kadiliman at kabutihan. Maging tapat ka sa sarili mo na huwag kang makihalubilo sa mga hindi mo kakulay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-28-30-36-40
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka pumapayag na ikaw ay mabuhay nang mag-isa. Kaya anuman ang iyong naranasan, kailangang mong kumilos nang positibo na nakatanaw sa masayang bukas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-14-24-26-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dalawa ang mga kamay ng tao, dalawa rin ang kanyang mga mata at maraming dalawa sa kanya. Pero, isa lang ang puso na ang ibig sabihin, hindi maganda kung marami kang mamahalin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-25-36-43.




Comments