top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di na nakapagpigil, Mar… KRIS, IBINULGAR NA SAWANG-SAWA NA SIYANG NASISISI ANG PAMILYA NILA DAH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NA-BASH naman si Kris Aquino nang sabihin niyang hindi niya ibinoto ang lahat ng kandidato ng LP (Liberal Party), partido ng kanyang kuya na si former President Noynoy Aquino III.

Maraming fans si Kris sa Instagram ang buma­batikos sa hindi niya pagsuporta sa partido ng kan­yang kapatid. May ilan pang nagsabi na kailangan daw i-set aside ng Queen of All Media ang personal issues niya sa ginawa niyang pagboto.

Sa nakaraang halalan, ang Otso Diretso kasi ang sinuportahan at inendorso ng Liberal Party, kung saan kasama pa sa line-up ang kilalang Liberal Party members na sina Bam Aquino at Mar Roxas.

Sinabi ni Kris na apat sa Otso Diretso ang ibinoto niya, dalawang independent candidates, at dalawang kandidato na sinusuportahan ngayon ng administrasyong Duterte.

Nilinaw ni Kris sa fan na nag-comment sa kanya na hindi konektado ang buong pamilya nila sa Liberal Party at tanging ang kanyang Kuya Noy lang ang parte at may kaugnayan sa partido.

Ani Kris, “LP is not synonymous to who we are as a family. Iisa lang naman sa limang Aquino ang nag-LP, that was my brother.”

Sinabi rin ni Kris na nagsasawa na siya na ang pamilya nila ang nasisisi sa ilang kamaliang ginagawa ng ilang miyembro ng LP.

Paliwanag ni Kris, “Maybe it’s also sickening to have been held responsible & accountable for the sins of certain members in the LP when I know we never enriched ourselves, we didn’t do a precursor to President [Donald] Trump — nobody from our immediate family was appointed or held a position — we never even joined my brother in any of his foreign trips so as not to be accused of impropriety.”

Dagdag pa niya, “So yes it is personal dahil tapos na kong manahimik sa pagbayad para sa mga kasa­lanan at pagkukulang nu’ng mga ibang LP nu’ng nabigyan sila ng pagkakataon ng mga botante.”

“I am not my siblings, I won’t quietly take the punches because the truth is, we took the hits for the shortcomings of others.”

Hindi naman pinangalanan ni Kris ang mga miyembro ng LP na pinatutungkulan niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page