After tuksuhin ang mag-ex sa It's Showtime, Bea… GERALD, AMINADONG SINUNDAN SI KIM SA BACKSTAGE
- BULGAR

- May 24, 2019
- 2 min read

MARAMI ang kinilig na fans sa naging pagkikita nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa It’s Showtime two weeks ago. Guest ang aktor sa nasabing noontime show at isa siya sa mga judges sa isang segment.
Katakut-takot na kantiyaw ang inabot ng mag-ex mula sa mga hosts ng It’s Showtime at sa totoo lang naman talaga, ang lakas pa rin ng kilig ng KimErald kahit ang tagal nang nabuwag ang love team nila at may kani-kanya na rin silang karelasyon.
Ang cute-cute tingnan ng kanilang reaksiyon habang tinutukso sila.
Sa guesting ni Gerald kamakailan sa Tonight with Boy Abunda ay naitanong ng host na si Boy Abunda kung totoo bang sinundan niya si Kim sa backstage nang araw na ‘yun matapos ang segment.
“Oh, yeah, sinundan ko siya,” ang sagot agad ni Gerald. “Just to greet her a belated happy birthday. May small talk and we were talking about ‘yung nangyari sa stage.”
Tinanong ni Kuya Boy ang aktor kung ano ang reaksiyon niya ‘pag inaasar pa rin silang dalawa ni Kim up to now.
“Nakakatawa lang, nakakatuwa lang. Kasi siyempre, wala ako dito ngayon if not for her. To have that kind of dynamics pa rin, parang you know, it’s nice,” sey ni Gerald.
Pero siyempre ay naitanong din sa aktor ang current relationship niya with Bea Alonzo tulad ng kung bakit hindi raw niya sinamahan ang girlfriend sa US noong Holy Week.
“There’s a reason - trabaho, shooting, we’re finishing the shoot,” he said.
Natanong din siya kung bakit hindi siya madalas mag-post ng pictures ni Bea gayung ang aktres ay madalas namang mag-post.
“I’ve said kung anuman ang meron kami, it’s something na parang… we had so many moments together pero hindi ko naman kailangang i-share lahat ‘yun,” paliwanag ni Gerald.





Comments