top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

6 patay sa election riot

  • Jersey Sanchez
  • May 24, 2019
  • 1 min read

PATAY ang anim katao matapos sumiklab ang serye ng mga riot upang magprotesta sa muling pagkapanalo ni Joko Widodo bilang pangulo ng Indonesia.

Ayon kay National Police Chief Tito Karnavian, anim ang kumpirmadong nasawi ngunit, pinabulaanan nito na direktang pinaputukan ng mga pulis ang mga demonstrador.

Batay sa impormasyon, 30,000 pulis na naka-riot gears ang ipinakalat para pigilan ang marahas na pagpoprotesta ng mga tao sa pamamagitan ng pagsusunog at pagkakalat.

Nilimitahan din ng mga awtoridad ang access ng mamamayan sa social media upang mapigilan ang pagpapakalat ng mga pekeng balita.

Ayon kay Chief Security Minister Wiranto, kabilang sa pansamantalang naka-block ang photos at video sharing.

Ang karahasan ay sumiklab matapos kumpirmahin ng election commission ng Indonesia ang reelection ni Widodo kung saan tinalo niya sa halalan noong Abril 17 si retired military general Prabowo Subianto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page