top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LOWRY, PINAKABOG ANG BUCKS, 2-2 NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 23, 2019
  • 2 min read

BUMASKET si Kyle Lowry ng 25 points, 18 sa first half nang pakabugin ng Toronto Raptors ang bisitang Milwaukee Bucks 120-102 kahapon upang ipatas ang kartada sa NBA Eastern Conference Finals sa tig-2 panalo. Ang Game 5 sa best-of-seven series ay idaraos sa Milwaukee bukas.Umiskor si Kawhi Leonard na panaka-nakang sumasakit ang kaliwang paa ng 19 puntos at 7 rebounds para sa Toronto. Dumagdag si Norman Powell ng 18 points habang sina Serge Ibaka at Marc Gasol ay may tig-17 puntos, may 13 points naman si Fred VanVleet at 13 rebounds. Bumanat si Khris Middleton ng 30 points, six rebounds at seven assists para sa Bucks. Dumagdag si Giannis Antetokounmpo ng 25 puntos at 10 rebounds habang may naiambag si Nikola Mirotic na 11 puntos.

Namumuno ang Raptors sa 16 puntos sa 3rd quarter at may 13 puntos na kalamangan pagsampa sa 4th quarter. May 3 puntos si VanVleet na tumalbog pa sa ring ang bola ng ilang beses bago na-swak. Nakapagsalpak si Ibaka ng isang free throw, si Powell ay may isa upang palamangin sa 20 puntos ang Toronto sa natitirang 8:35 minuto sa laro.

Humahabol ang Bucks sa 14 puntos, pero ang layup uli ni Lowry ang nakausad sa 21 puntos sa nalalabing 3:50 minuto. Ang dunk ni Ibaka ang nagtarak ng 25. Nanguna ang Raptors sa 32-32 matapos ang 1st quarter, kasunod ng 9 puntos sa 2nd quarter para umalagwa ang lamang sa 10. Ang tres puntos ni Middleton sa natitirang 7:08 minuto ang nagpadikit sa 5 puntos. Pagsapit sa huling quarter, nakawala uli ang Toronto sa 12 puntos na lamang sa bisa ng step-back jumper ni Leonard sa natitirang 3:15 minuto. Nasundan ng 2 free throws ni Lowry sa 1:17 minuto na lamang na ang Toronto sa 16 bago natapos ang quarter. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page