GRAND SLAM, WISH SA SMB, PERO ‘DI TIYAK SI AUSTRIA

MALAYO sa isip ni San Miguel coach Leo Austria ang magwagi ng Grand Slam ngayong taon.
Sa panayam sa kanya sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon, sinabi ni Austria na nakapokus lang siya sa darating na conference na Commissioner’s Cup kung saan sila’y maglalaro simula sa Hunyo 5.
“With our experience, we know what’s the consequences of thinking the Grand Slam. That means you are pressuring yourself. This team, whatever happens, I think they will play to win each game,” ani Austria kahapon sa PSA Forum sa Amelie Hotel.
Kamakailan ay napagwagian ng San Miguel ang kanilang panlimang sunod na korona sa Philippine Cup pagkaraang talunin ang Magnolia, 72-71, sa Game 7 ng serye. Ito ang nagbuhay sa usapan ng Grand Slam para sa mga bataan ni Austria.
Noong Lunes sa victory party ng koponan sa opisina ng San Miguel Corporation ay nagpahayag ng kagustuhan ang SMC management na magkamit ng Grand Slam. Naiintindihan ito ni Austria dahil gustong maulit ng kumpanya ang Grand Slam na kanilang nakamit noong 1989. “A lot of people are asking for a Grand Slam. The last Grand Slam we won, that was in 1989, 30 years ago. They have a different management that time. Of course, we won the Beeracle and the three-peat, the five-peat. Most of the records of the all-Filipino is with us. That’s the only thing they want. That’s only a wish. It’s not an order,” saad ni Austria.





Comments