top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

'Di na raw kaya… RUFA MAE, BALIW NA BALIW NA SA PAGHIHIWALAY NILA NG MISTER

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2019
1 min read

NAKAKABALIW na masasabi ang long-distance marriage ni Rufa Mae Quinto at ng asawa nitong si Trevor Magallanes, pero kahit hindi madali ay nakakayanan nilang tanggapin ang unusual situation na ito, ‘ika nga.

Sa interbyu kay Rufa Mae, si­nabi ng comedienne-actress na kahit mahirap ay kailangan niyang kayanin na malayo sa asawa para sa kanilang anak na si Athena.

“Kakaumpisa pa lang kasi kaya nakakaya pa. Kasi dati, umuuwi siya buwan-buwan. Ito lang ang matindi, nitong December, January, February, March, April, five months.

“Nakakabaliw na, pero kaya pa. Kasi walang choice dahil ako ang nanay. Kapag malungkot ako, maa-absorb niya (ng anak ko), so magiging ma­lung­kot na kaming lahat. So, kailangan kong tibayan. Kailangan, go lang nang go,” paliwanag ni Rufa Mae na ikinasal kay Trevor noong Nobyembre, 2016.

Nakabase ngayon at nagtatrabaho sa San Francisco, USA ang mister ni Rufa Mae.

Excited ang komedyana dahil bago magtapos ang Mayo ay lilipad siya at si Athena papuntang San Francisco to join her husband para sa birthday ng aktres.

Kahit daw walang mala­king handa, basta kasama ang kanyang anak at asawa, tama na raw ito sa kanya.

“Kaya nga excited,” ani Rufa Mae.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page